Negosyante, arestado sa pagtatago ng matataas na kalibre ng armas sa Barangay Punta 1, Tanza, Cavite – PNP ATCU

Cavite – Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Transnational Crime Unit ang o ATCU ang isang negosyante matapos makuhaan ng iba’t iba at matataas na kalibre ng armas sa Barangay Punta 1, Tanza, Cavite.

Kinilala ni ATCU Chief Supt. Roque Merdeguia ang naarestong negosyante na si Rogelio Bargaso, 44 anyos, residente ng nasabing barangay.

Aniya, dakong alas sais y-medya ng umaga kanina ng salakayin ng mga tauhan ng PNP ATCU ang bahay ng suspek.


Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang AK47, isang 12 gauge shotgun at isang 45 calibre na pistola at mga bala.

Ang pagsalakay ay ginawa sa bisa ng ipinalabas na search warrant ng executive judge ng Regional Trial Court ng San Pablo, Laguna makaraang makakuha ng impormasyon na ang suspek ay nagtatago ng sari-saring baril.

Nakatakda ng sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms ang suspek.

Facebook Comments