Negosyante at 2 iba pa, Huli sa overpriced na pagbebenta ng Alcohol

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang tatlong katao kabilang ang isang negosyante matapos magbenta ng galon-galong alcohol na hindi nakasaad sa Suggested Retail Price (SRP) sa Piat, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Irene Francisco, 38 anyos, may asawa, isang negosyante; Eliza Sagabaen Baracao; at Lorenzo Germino na kapwa mga residente ng Brgy. Poblacion 2, Piat, Cagayan.

Ayon sa imbestigasyon Piat Police Station, pasado alas-dos (2:00 P.M) ng ikasa ang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Monitoring Hording Overpricing Team (PACT-CPPO) at Piat PS sa koordinasyon sa Food and Drug Administration sa Brgy. Baung, Piat, Cagayan.


Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang galon ng (3.78 liter) Fresh Again Ethyl Alcohol at 69 na galon ng parehong produkto.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 11469 (Bayanihan Heal as One Act), RA 7581 (Price Act) at RA 7394 (Consumer Act of the Phil.) na ngayon ay nasa kustodiya ng mga awtoridad.

* tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, PNP Piat, COVID-19, Cagayan, Luzon*

Facebook Comments