Drayber ng Pampasaherong Tricycle, Patay matapos bumangga sa Jeep

*Cauayan City, Isabela*- Binawian ng buhay ang isang tsuper ng pampasaherong tricycle matapos mabangga ang isang pampasaherong jeep bandang 3:50 kaninang hapon sa Brgy. Surcoc, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rizaldy Casela, nasa tamang edad at residente ng Brgy Mallabo, San Marino, Isabela at ang sugatang pasahero ng jeep na si Olivia Lozada, 42 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Palluttan, San Mariano, Isabela.

Habang nakilala ang suspek at drayber ng pampasaherong jeep na si Ronald Languido 37 anyos, biyudo at residente Brgy Burgos, Naguilian, Isabela.


Ayon kay PSSg. Charlie Capuchino, binabagtas ni Casela ang provincial road patungo sa Junction ng San Mariano at ng marating ang pinangyarihan insidente partikular sa pakurbadang daan ay aksidente itong bumangga sa isang jeep sa kabilang linya na nagresulta ng matinding sugat sa ulo ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay habang nagtamo ng minor injuri ang pasahero ng jeep.

Inihahanda naman ang kasong isasampa laban kay Languido na Reckless imprudence resulting in Homicide and Damage to Property.

Facebook Comments