Negosyante na may kasong Robbery, Natimbog!

65

Cabagan, Isabela – Nasa kamay na ng mga otoridad ang isang negosyante dahil sa kasong Robbery matapos isilbi ang kanyang Warrant of Arrest pasado alas dose ng tanghali sa Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Mario Guingab, kwarentay syete anyos, may asawa, negosyante at residente ng Brgy. Cubag, Cabagan, Isabela.


Inaresto si Guingab sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC, Second Judicial Region, Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kaso nitong Robbery.

Samantala, nasa kustodiya na ng Cabagan Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon habang may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng isang daang libong piso.

Facebook Comments

From Advertisers