NEGOSYANTE NA NAHULIHAN NG PAKE-PAKETENG PEKENG YOSI, NATIMBOG

Nadakip ang dating nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo matapos ipalabas ang warrant of arrest nito ni Judge Gregorio Nuestro ng MCTC Villaverde-Quezon, Nueva Vizcaya.

Unang naaresto noong Oktubre 15, 2021 ang negosyante matapos magpositibo na peke ang mga nakatagong pake-paketeng sigarilyo na may iba’t-ibang brand sa kanilang bodega.

Nasa 152 reams ng mga pekeng yosi na nagkakahalaga ng Php154,000.00 ang nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek.

Nakalaya ang suspek nang una itong mahuli dahil sa kawalan ng ebidensiya na nagbebenta ito subalit kalaunan ay napatunayan din ng pulisya batay na rin sa mga pahayag ng mga witness.

Dahil lumabas ang warrant of arrest nito, haharap ito sa korte para sa kanyang kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

Pansamantala namang nakalaya ang suspek matapos makapagpiyansa.

Facebook Comments