BABAENG WANTED SA KASONG ‘LIBEL’, ARESTADO

24
Cauayan City, Isabela- Huli ng pinagsanib na pwersa ng Rizal Municipal Police Station, Police Intelligence Unit, 1st Kalinga Provincial Mobile Force at Regional Intelligence Unit 14 ang isang 24-taong gulang na babae, walang asawa, freelance worker, at residente ng Purok 1, Barangay Babalag west Rizal Kalinga.

Batay sa report ng pulisya, nag-ugat ang pagkakaaresto ng suspek sa isang reklamong inihain ng incumbent Mayor Karl Bugao P. Baac hinggil sa mga artikulong ipinost umano sa social Media na ipinakalat ng akusado upang sirain ang kanyang reputasyon bago ang 2022 National and Local Elections.

Nadakip ang nasabing suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni presiding judge Hon. Jerson Eckman Angog.

Nasa kustodiya na ngayon ng himpilan ng pulisya ang akusado bago siya i-turn over sa court of origin.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang suspek na may piyansa na nagkakahalaga ng P24,000.

Facebook Comments