Negosyante na supporter umano ng NPA, Dinakip dahil sa pag-iingat ng granada!

1939

San Guillermo, Isabela – Matagumpay na inaresto ang isang mangangalakal ng magkakasanib na pwersa ng kapulisan sa isinagawang Search Warrant dakong alas sais kaninang umaga sa Brgy. Centro 2, San Guillermo, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Ariel Estrada Galindo, nasa tamang edad, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa spot report ng PNP San Guillermo, dinakip si Galindo na di umano’y supporter at nagkakanlong ng mga miyembro ng NPA sa nasabing lugar dahil sa pag-iingat ng granada. Isinagawa ang paghalughog batay sa ipinalabas na kautusan ni Hukom Reymundo L. Aumentado ng Cauayan City, Isabela.

Sa ngayon ay isinsasilalm na sa tactical interogasyon ang suspek sa himpilan ng pulisya ng San Guillermo, Isabela.

Facebook Comments