Negosyante, nasawi sa pamamaril sa Pasay City

230

Pasay City – Patay ang isang negosyante matapos barilin sa lungsod ng Pasay.

Nakilala ang biktima na si Michael Versoza, nasa hustong gulang, na napaulat na pamangkin ni dating PNP Chief Director General Jesus Versoza.

Pasado alas-nuebe ng gabi sa establisimiyento na pag-aari ni Versoza sa Libertad Street, Brgy. 69, Zone 9 ng nabanggit na lungsod.


Batay sa kuha sa CCTV, makikita na isinasara ng isang tauhan ni Versoza ang gate ng kanilang tindahan o furniture pero maya-maya ay lumabas naman ang biktima.

Dito na pumasok at nagkaroon ng pagkakataon ang suspek na mabilis na binaril si Versoza kung saan makaraang isagawa ang krimen ay agad na tumakas ang salarin sa hindi pa mabatid na direksiyon.

Bukod sa kamag-anak umano ng dating PNP chief na si Versoza, nabatid mula sa barangay chairman ng Brgy. 69 na ang biktima ay anak din ng isang kernel.



Gayunman, itinatanggi ng mga kamag-anak ng biktima na may kaugnayan sila sa dating hepe ng Pambansang Pulisya.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at gayundin ang motibo sa naturang krimen.

Facebook Comments