Money carrier, patay sa pamamamaril sa Makati

522

Makati City – Nagtamo ng apat na tama sa likod ang 28-anyos na money carrier na si Edison Ken Dumpa na tumapos sa kaniyang buhay nang pagbabarilin sjya sa bagagi ng Chino Roces Avenue sa Makati.

Batay sa report ng Makati police, nagmamaneho ng motorsiklo galing sa kanyang nobya sa Parañaque ang biktima nang may tumawag sa kanyang cellphone.

Nang huminto para sagutin ang cellphone, dito na siya pinagbabaril ng gunman, na pumara ng taxi patakas.


Ayon sa mga nakakita, mistulang inabangan talaga ang biktima dahil matagal na naghintay sa cafeteria sa lugar ang suspect bago umatake.

Narecover sa crime scene ang anim na basyo ng 9 mm na baril.

Facebook Comments