Negosyante ng baboy, patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Malabon

Manila, Philippines – Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin sa Malabon.

Kinilala ng PNP Malabon ang biktima na si Rolando Ruado, 46 anyos na nag-nenegosyo ng baboy.

Alas-3:45, sakay ng kaniyang tricycle si Ruado at pagsapit sa M.H del Pilar Street Brgy. Maysilo Malabon, dito na sumulpot ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo saka siya pinagbabaril.


Tinitingnang anggulo ng pulisya ang matagal na alitan sa negosyo ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments