Pangulong Duterte, ikakampaniya ang BOL sa Cotabato City ngayong hapon

Cotabato – Dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginaganap na Peace Assembly for the Ratification of Bangsamoro Organic Law o BOL.

Ginaganap ang nasabing aktibidad sa Sharif Kabunsuan Cultural Complex sa Cotabato City.

Doon ay ikakampaniya ni Pangulong Duterte ang pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law kung saan ay gaganapin sa darating na Lunes ang plebesito.


Makakasama ni Pangulong Duterte sa nasabing aktibidad ay si ARMM Givernor Mujiv Hataman, Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang opisyal ng national at lokal na pamahalaan.

Matatandaan na ngayon ay nag deploy na ang Philippine National Police at Armed forces of the philippines ng kanilang mga kagawad para bantayan ang gaganaping Plebesito upang matiyak na ito ay magiging tahimik at ligtas.

Facebook Comments