Negosyante, Patay nang Magbaril sa Ulo!

563

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang negosyante matapos na magbaril sa ulo dakong 12:00 kaninang madaling araw sa Brgy Marasat Pequeno, San Mateo, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong natanggap ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), Kinilala ang nagpakamatay na si Alexis Balea, 47 anyos at residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang kinakausap ng mga kasapi ng PNP San Mateo ang biktima matapos itong ireklamo sa pagwawala ay bigla na lamang nitong itinutok ang hawak na baril sa ulo at kinalabit ang gatilyo.

Agad na binawian ng buhay ang biktima at narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang Caliber 45 pistol, mga bala at basyo ng nasabing baril.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments