Pinay, nagwagi ng 142M raffle price sa Abu Dhabi

229
Courtesy: Big Ticket Abu Dhabi Facebook

Isang pinay ang maswerteng nakakuha ng major price ng Abu Dhabi Big ticket raffle,’The Big 10 Million Series 207′ na nagkakahalaga ng Dh10 million, 142 million sa Philippine rate.

Kinilala ang Pilipina na si Marelie David, naninirahan at nagtatrabaho sa Dubai sa loob ng 20 taon kasama ang pamilya at nakagawian na ang pagsali sa naturang raffle kada buwan.


“This is a big blessing. Timing is perfect because it is going to be December soon,” ani David.

Nang tanungin naman kung saan gagamitin ang napanalunang pera, sinabi nito na ipagpapatayo raw niya ng sariling bahay ang 11-anyos na anak at itutulong niya sa pagpapatayo ng simbahan sa kanilang lugar.

Dagdag pa niya, “Keep on trying, keep you your faith, and maybe God will do something and you will win soon!”

Samantala, ang lucky number na nagpanalo sa kanya ay ticket no. 172193 na binili niya noong ika-26 ng Agosto.

Nangyari ito Martes ng gabi matapos ianunsyo ng host ng programa ang mga nanalo sa pamamagitan ng phone call.

Facebook Comments

From Advertisers