Negosyante, patay sa holdap sa Balanga City Bataan

Bataan, Philippines – Patay ang isang negosyante sa naganap na holdap kagabi sa Balanga City Bataan.

Sa report ng Balanga City police kinilala ang biktimang si Erik Nuestro 51, residente ng Abucay Bataan.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na nagsara na umano ito ng kanilang establisimyento kasama ang kanyang asawa nang biglang dumating ang mga holdaper sabay pukpok sa ulo sa misis nito at nawalan ng malay.


Nang akma umanong aagawin ang dalang bag na may lamang pera ay tumanggi umano ang biktima kayat binaril ito ng isa sa mga suspek sabay takas.

Patay na ang biktima nang datnan ng mga otoridad habang patuloy ang imbestigasyon at pagtugis ng pulisya laban sa mga suspek.

Facebook Comments