Negosyante, Patay sa Pamamaril

47

Cauayan City, Isabela- Inaalam ngayon ng mga awtoridad ang posibleng dahilan ng pamamaril-patay sa isang negosyante pasado alas-12:00 kaninang tanghali sa Brgy. Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan.
Nakilala ang biktima na si Moises Joseph Dacquiel, 34-anyos, may-asawa at residente ng Main Ave., San Gabriel sa nasabing lungsod.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng biktima ang naturang lansangan sakay ng kanyang motorsiklo nang bigla na lamang itong pagbabarilin sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan ng ilang kalalakihan sakay ng isang pick-up.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima ng napadaang ambulansya subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.
Sa ngayon, ipinoproseso na ng mga tauhan ng SOCO ang crime scene para sa ikareresolba ng kaso.


Facebook Comments