Halos 2,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala ng DOH

56

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 1,952 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa ngayon,umaabot na ang kabuuang kaso sa 485,797 kung saan ang aktibong kaso ay 26,784 o 5.5%.


Pinakamaraming bagong kaso ay naitala sa Davao City, Quezon City, Rizal, Cavite at Bulacan.

291 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 449,615 o 92.6%.

34 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 9,398 o 1.93%.

Facebook Comments