Negosyante, Patay sa Pamamaril sa loob ng Videoke Bar!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin sa loob ng videoke house sa Purok 3, Brgy Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima at may-ari ng mismong videoke bar na si Joan Tandoy, 45 anyos, single, tubong Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela na nangungupahan sa barangay Cabaruan ng nasabing Lungsod.

Sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, ganap 5:58 ng hapon kahapon habang nagpupunas ng lamesa sa loob ng videoke bar ang biktima nang bigla itong pagbabarilin sa kanyang dibdib ng hindi pa nakikilalang suspek.


Nakarinig na lamang umano ng putok ng baril ang anak ng biktima na kasalukuyang nasa loob ng kwarto.

Agad namang rumesponde ang Rescue 922 subalit hindi na inabutan ng buhay ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng suspek.

Facebook Comments