Negosyante sa Bicol region, kinasuhan ng tax evasion sa DOJ

Bicol Region – Dalawang negosyante mula sa Bicol Region ang kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Kabilang sa sinampahan ng (BIR) ng paglabag sa tax code si Andres Seva ng kumpanyang A. Seva Construction na nakabase sa Naga City.

Ayon sa BIR, hindi nagbayad ang A. Seva Construction ng P3.7-Million na buwis sa taong 2007.


Kinasuhan din ng BIR ang negosyanteng si Helen Delos Santos, may-ari ng Saint Therese Construction and Supply na nakabase sa Virac, Catanduanes.

Sa records ng BIR, nabigong magbayad ng buwis si Delos Santos na aabot sa P8.67-Million para sa taong 2009 at 2010.

Ayon sa BIR, matagal na nilang inabisuhan ang mga respondents sa kanilang obligasyong dapat bayaran subalit bigong tumugon ang mga ito.

Facebook Comments