Negosyante sa Cebu na si Peter Lim pinadalhan na ng subpoena ng CIDG-7

103

Naipadala na ng Criminal Investigation and Detection Group-7 and subpoena ng Department of Justice para sa negosyante na si Peter Lim alyas Jaguar para sa preliminary investigation kaugnay ng kasong drug trafficking na inihain laban sa kaniya.

Ngunit walang dinatnan na Peter Lim sa kaniyang bahay sa Tres Borces Street sa Barangay Kasambagan sa lungsod ng Cebu nang naghatid ng subpoena na si Chief Inpsector Chuck Barandog ng CIDG-7 .


Ang subpoena ay pirmado nina Assistant State Prosecutor Michael John Humarang at Aristotle Reyes ng DOJ para imbitahan si Lim sa imbistigasyon ngayong Agusto 15 at 17 sa DOJ Manila .

Ang tumanggap ng subpoena ay ang guwardiya sa bahay ni Lim na nakilalang si Antonio Rosellosa .

Hindi pa matiyak ng mga otoridad kung nasa Cebu o nasa ibang bansa na si Lim sa ngayon.

Virus-free. www.avg.com <#DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>




Facebook Comments