Dalawang umano’y miyembro ng Maute Group, naaresto sa Lanao Del Sur

112

Lanao Del Sur – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang umano’y dalawang miyembro ng Local Terrorist Group na Maute sa Brgy, Pantar, Lumbatan, Lanao Del Sur

Kinilala ang mga naaresto na sina Sailanie Asral Mamaorong, 37 at Mama S. Batara AKA Mamaorung, 71.


Sa ulat, nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Lumbatan Municipal Police Station at 65th IB, 9ID ng Philippine Army ng maaresto ang dalawa.

Nakuha sa kanila ang isang improvised Barret at M 203 Grenade Launcher.

Sina Mamaorong at Batara ay nasa kustodiya na ngayon ng PNP CIDG ARMM para sa imbestigasyon at paghaharap ng kaso laban sa mga ito.

Facebook Comments