Negosyante sa Naguilian, Isabela, Patay sa Pamamaril!

497

Naguilian, Isabela – Agad na binawian ng buhay ang isang nesgosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem criminals pasado alas dos kaninang hapon sa Brgy. Flores, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang biktima at backrider ng motorsiklo na si Marisa Bagain Quebral, 43 anyos, negosyante, residente ng nabanggit na barangay.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, habang binabaybay nina Quebral ang pambansang lansangan lulan ng motorsiklo na minamaneho ni Santos Domingo at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay hinarangan sila ng dalawang suspek na lulan din ng motorsiklo at bigla na lamang pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Quebral na agad isinugod sa pagamutan subalit idineklara din itong dead on arrival.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP Naguilian hinggil sa naturang pamamaril.

Facebook Comments

From Advertisers