Tropa ng 17th IB, Napasabak sa Engkwentro sa Sto. Niño,Cagayan!

*Cagayan-* Patuloy ang isinasagawang combat operation ng tropa ng 17th Infantry “Do or Die” Battalion matapos makaengkwentro ang hindi pa mabatid na bilang ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) pasado alas kwatro ng kaninang hapon sa Brgy. Lipatan, Sto. Niño, Cagayan.

Sa inisyal na nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, wala naming naitalang namatay o nasugatan sa tropa ng pamahalaan habang inaalam pa sa kabilang panig.

Nagtagal ang putukan ng baril sa loob ng labin limang minuto at kalauna’y umatras din ang mga nakalabang rebelde.


Narekober naman ng mga kasundaluhan ang isang M16 rifle, isang M14 Rifle, mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED), mga iba’t ibang uri ng dokumento at mga kagamitan na naiwan ng CPP-NPA.

Sa ngayon ay mas lalo pang pinaigting ng militar ang ginagawang pagtugis laban sa mga tumakas na teroristang NPA.

Facebook Comments