Negosyante sa Taguig, arestado sa pagdadala ng baril at iligal na droga

Handcuffs

Huli sa anti-criminality operation ang isang negosyante matapos mahulihan ng baril at hinihinalang iligal na droga na nagkakahalaga ng higit ₱115,000 sa Taguig City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearm and Ammunitions Regulatory Act at Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Kaharudin Edon alyas Datu, 27-anyos.

Nagsagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng Intelligence Section ng Taguig Police nang matiklo ang negosyante.


Unang nang nakatanggap ng report ang mga pulis kaugnay ng presensiya ng mga suspek na nagdi-display ng kanilang hindi lisensiyadong baril at nagsasagawa ng illegal drug activities.

Nang puntahan ang lugar, nadatnan ng otoridad ang suspek na hindi na nakasuot ng face mask at nakitang may nakasukbit na baril sa kanyang baywang kaya agad na inaresto.

Nakumpiska sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 17 grams, maroon pouch, sling bag, isang caliber 9mm, isang magazine, anim na bala, holster at isang laptop na HP.

Dinala ang mga narekober na ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para suriin.

Facebook Comments