Negosyanteng Fil-Chinese, pinapaaresto na ng Korte matapos hindi sumipot sa arraignment

 

Naglabas na ng warrant of arrest ang korte laban sa isang negosyanteng Filipino-Chinese matapos hindi sumipot sa arraignment sa kasong grave coercion na isinampa ng kanyang dating business partner.

Sa dalawang pahinang desisyon, inatasan ni Hon. Judge Allan Ariola, acting presiding judge ng Branch 115 ang pag-aresto kay Richard Lim, kilala rin bilang “Lin Jin” matapos hindi magpakita sa arraignment na itinakda noong Lunes, June 3.

Nabatid na umalis ng bansa si Lin Jin nitong Sabado kahit alam ang kanyang schedule sa korte kaya’t ang halagang P36,000.00 bilang piyansa kasabay ng utos sa public prosecutor ng Department of Justice (DOJ) na resolbahin ang mosyon ng akusado kung saan muling itinakda ang pre-trial at arraignment sa June 24.


Una nang kinatigan ng korte ang DOJ na sampahan ng kasong grave coercion si Lin Jin batay sa unang reklamong kidnap for ransom na isinampa ni Eric Lim, na dating kapartner nito.

Ayon kay Judge Ariola, isang full-blown trial ang kailangan upang lumabas ang katotohanan laban sa mga akusasyon ng biktima.

Sa maikling pahayag, sinabi ni Eric Lim na bagama’t hindi siya kuntento sa rekomendasyon ng DOJ, pinatunayan nito na may katotohanan ang kanyang salaysay hinggil sa ginawa sa kaniya ni Lin Jin at mga tauhan nito.

Facebook Comments