OFWs na papaalis ng bansa, pinapayuhan na magpatala muna sa NAIA para sa overseas voting

Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga papaalis na Pilipino patungong abroad na magpatala muna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kaugnay ito ng 2025 National Elections.

Batay sa abiso ng DFA, ang kailangan lamang gawin ng mga Pinoy na dumaan at magparehistro sa Commission on Elections (COMELEC) Desk na matatagpuan sa Overseas Filipino Worker (OFW) lounge sa NAIA Terminal 1.


Ang naturang abiso ay ipina-aabot din sa Filipino community ng mga Embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.

Ang hakbang na ito ay sa harap ng natatapos na September 30 deadline para sa pagpaparehistro.

Facebook Comments