Manila,Philippines – Hindi sasantuhin ng Administrasyong Duterte ang negosyanteng si Charlie“Atong” Ang sa kanyang illegal gambling operations.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinauubaya na ng palasyo sa mga kinauukulan ahensya ng gobyerno ang pagkilos para panagutin at pasunurin samga umiiral na batas si Ang.
Nabatid na mismong sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at JusticeSecretary Vitaliano Aguirre ang nagbulgar sa illegal gambling operations ni Ang sa labas ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).
Lumalabas ding binabalewala ni Ang, ang executive order 13 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero na nagpapalakas sa kampanya laban sa illegal gambling operations sa bansa.
Si Angay convicted sa kasong katiwalian pero nahatulan sa mas mababang kaso kaya na kulong lamang sa loob ng dalawang taon noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.