Manila, Philippines – Itinalaga na bilang honorary member ng Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated si Enrique Razon Jr -Chairman of the Board and CEO International Container Terminal Services Inc.
Si Razon ay Guest of Honor and Speaker sa PMA Alumni Homecoming 2018 sa Fort Gregorio Del Pilar sa Baguio City.
Sa kanyang talumpati sinabi nyang susuportahan nya ang Armed Forces of the Philippines sa kanilang laban sa terorismo.,
Habang nagpasalamat din sya sa PMA Alumni Association Inc. dahil sa pagtanggap sa kanya bilang honorary member.
Bago ang pagkakatalaga bilang honorary member ng PMA Alumni Association Inc. nag-donate na si Razon limang palapag na gusali sa mga kadete ng PMA ito ay para maging barracks ng mga ito.
Una nang naging adopted ng PMA class 1988 si Razon.