Negosyanteng Si Kim Wong, Sasabihin Ang Lahat Sa Pagharap Sa Senado Kaugnay Sa Money Laundering – Pero Rcbc Branch Manag

2

MANILA – Hindi makakapunta sa ikatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee si dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito kaugnay ng $81 million money laundering.Ayon sa kanyang Legal Counsel na si Atty. Rene Saguisag, may problema na sa kalusugan ang kanyang kliyente dahil sa labis na stress sa pagkakadawit sa anomalya.Aniya, dalawang beses naman nang nakadalo sa imbestigasyon si Deguito at naipaliwanag na nito ang lahat.Samantala, tiniyak ng negosyanteng si Kim Wong, ang itinuturong utak ng money laundering sa bansa na tuloy ang pagharap niya sa Senado.Ayon kay Wong handa niyang sabihin ang lahat ng kanyang nalalaman kabilang na ang dalawang malalaking pangalan na sangkot sa isyu.

Facebook Comments