NEGOSYANTENG TULAK NG ILIGAL NA DROGA, ARESTADO SA OPERASYON

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang negosyanteng hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Ali”, 29-anyos, residente ng Don Domingo Maddela, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nakumpiska mula sa kanya ang tinatayang 3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20,000, isang cellphone, isang motorsiklong walang plaka, at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 2 – Nueva Vizcaya Provincial Office, PDEA Ifugao Provincial Office, PNP Drug Enforcement Group (PDEG) – Special Operations Unit 2 (SOU2), at Bayombong Police Station.

Mahaharap si alyas “Ali” sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments