NEGOSYO | 6 Na Barangay sa Dagupan City kabilang sa SLPA ng DSWD

Anim na barangay na may association ang kabilang sa makakatanggap ng 1. 2 milyong seed capital o sa ilalim ng programa ng Department of Social Welafre and Development (DSWD) na Sustainable Livelihood Program Asssociations (SLPA).
Ang mga barangay na napili ay ang Mamalingling (Kapayapaan SLPA) Pogo Chico (Pogo Chico SLPA), Calmay (Rosegie SLPA), Bonuan Binloc (Tagumpay SLPA), Pantal – Calmay (Kapitbisig SLPA), at Pugaro Suit (Magandang buhay SLPA, Lapu Lapu SLPA). Ang nasabing seed capital ay ang tulong pinansyal ng DSWD upang makapagsimula ng negosyo ang mga benepisyaryo.
Ayon sa CSWD Officer ng Dagupan na si Leah Aquino ang mga benepisyaryo ay parte rin ng 4PS. Magtatalaga rin ang ahensya ng bawat koordinator upang mamonitor ang nasabing programa.

Facebook Comments