Negosyo ng mga pork vendor, nakababawi na – DA

Unti-unti nang bumabangon ang mga negosyo ng mga magbababoy ilang araw matapos ipatupad ang price ceiling sa baboy at manok sa Metro Manila.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nakikita nila na ang nakababawi na ang mga negosyo sa National Capital Region matapos dumating ang mga hog supply mula Mindanao, Visayas at iba pang bahagi ng Luzon.

Sa pamamagitan nito, nakakasunod ang mga market retailers sa price cap sa baboy.


Batay rin aniya sa inisyal na resulta ng kanilang mga ginawang hakbang, sa tulong ng pribadong sektor, naagapan nila ang artificial shortage.

Para kay Dar, maayos ang pagpapatupad ng price ceiling sa NCR kahit may ikinasang pork holiday.

Pinuri din ni Dar ang aktibong papel ng pribadong sektor para mapatatag ang supply at presyo ng mga bilihin sa Metro Manila.

Ang DA ay magsasagawa ng food security summit para resolabahin ang mga isyu sa agrikultura at pangingisda.

Facebook Comments