NEGROS MASSACRE | NBI, pinate-take over sa imbestigasyon sa massacre sa Sagay City, Negros Occidental

Hinikayat ni KABAYAN Party-list Representative Ron Salo ang Department of Justice na atasan ang National Bureau of Investigation na mag-take over sa imbestigasyon kaugnay sa karumal-dumal na pamamaslang sa siyam na magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay Salo, dapat ipatupad ng DOJ ang full force ng batas at panagutin ang mga nasa likod ng krimen.

Pinatitiyak rin niya kay Justice Secretary Menardo Guevarra na mapapatawan ng maximum penalty ang mga salarin at pagkakalooban ng proteksyon at pabuya ang mga makapagbibigay ng anumang impormasyon hinggil sa kaso.


Dagdag pa ni Salo, wala nang ibang hangad ang pamilya ng mga nasawi kundi hustisya mula sa gobyerno kaya mas mainam kung NBI ang mangunguna sa imbestigasyon.

Nanawagan naman ang kongresista sa publiko na magsagawa ng prayer vigil para makamit ang hustisya at maresolba agad ang kaso.

Facebook Comments