POSIBLENG SUPORTAHAN | Panukalang pagkalas sa IPU, pag-aaralang mabuti ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Posibleng suportahan ni Senate President Tito Sotto III ang isinusulong ni House Speaker Gloria Arroyo na pagkalas sa Inter-Parliamentary Union o IPU.

Pero ayon kay Sotto, kailangan muna niyang konsultahin ang kanyang mga kasamahang Senador.

Ang nais ni Arroyo ay nabuo makaraang maghayag ng pagpanig ang IPU kina Senators Leila de Lima at Antonio Trillanes IV na umano ay dumaranas ng panggigipit dahil sa pagiging kritiko ng administrasyong duterte.


Kaugnay nito ay iginiit ni Senator Sotto sa IPU human rights committee ang kasarinlan ng Pilipinas.

Diin pa ni Sotto, gumagana ang ating judicial process at nasusunod ang tinatakda ng konstitusyon na separation of powers sa pagitan ng ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

Facebook Comments