Ipinahayag ni Arnolfo Teves, representative ng Negros Oriental, ang kaniyang alarma kung saan ang mga basurang galing sa Canada ay ‘kicker’ lamang dahil posibleng may iligal na droga sa loob nito.
Ayon kay Edward James Dy Buco, commissioner ng Customs Deputy, ang basura na dinala sa bansa ay para i-recycle ngunit kinalaunan ay nadiskubreng mga municipal solid waste ito o hindi mapapakinabangan.
Inamin din ni Dy Buco na 20 porsyento lamang ang sumailalim sa X-ray system.
Sinabi rin ni Teves na bakit kailangan pang mag-import ng mga basura ang Pilipinas sa ibang bansa kung mayroon naman sariling basura ang bansa.
Aniya, baka ginamit lang ang mag basura ngunit posibleng may nasa loob ito.
“Dati kasi ginagawa yan years ago, nagi-import ng bigas, may kasamang shabu, halos pinapamigay na lang yung bigas pagkatapos dahil kicker lang yung bigas. Hindi natin alam, baka nagkaroon ng laman ang ilan na ito,” paliwanag niya.
Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr. na ibabalik ang basura sa Canada sa Mayo 30.