Nene Pimentel sa pagpayag sa China na mangisda sa PH EEZ: ‘walang masama, praktikal lang’

Para kay dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr., walang masama sa pahayag ni Pangulong Duterte na payagang mangisda ang mga Tsino sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Giit niya, ang mahalaga ay hindi isinuko ang soberanya sa nasabing lugar.

“What’s important is that our right of sovereignty over this area is not given up,” ani Pimentel, na nangasiwa sa panunumpa sa katungkulan ng mga lokal na opisyal sa Cagayan de Oro.


Sinabi rin niya na praktikal ang ginagawang pagpapainit ng relasyon ni Duterte sa China na matagal na itinuring na kalabang bansa.

“The way I look at it, Duterte is just trying to be practical in the sense that for a long time China was considered an enemy,” aniya.

“We have friendly relations only with the US and other democratic countries but not with China,” dagdag nito.

Dagdag pa ni Pimentel, katanggap-tanggap din ang pagpapalawig pa ng relasyon ng bansa sa China, Russia, at iba pang authoritarian nations hanggat hindi hahayaang maapektuhan ng kultura at tradisyon ng mga ito ang demokrasya sa bansa.

Si Pimentel ang founder ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na partido ng Pangulo.

Facebook Comments