Nepal, pinangangambahang matulad sa India

58

Pinangangambahang matulad sa sitwasyon sa India ang COVID-19 surge na nararanasan ngayon sa Nepal.

Nasa 20 sa kada 100,000 indibidwal ang tinatamaan ng virus sa Nepal, kaparehong bilang na naitala sa India, dalawang linggo na ang nakalilipas.


Habang noong nakaraang linggo, 44% ng sumailalim sa kanilang COVID-19 tests ang nagpositibo.

Dahil dito, puno na rin ang kanilang mga ospital kaya umaapela na ng tulong sa ibang bansa ang Prime Minister ng Nepal.

Facebook Comments