Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres at negosyanteng si Neri Naig na patuloy siyang nag-aaral para sa ikagaganda pa ng takbo ng kanyang negosyo.
Dito, may nagkomentong customer ng restaurant niyang “Not So Secret Garden” tungkol sa umano’y hindi magandang serbisyo at hindi makatarungang presyo.
Sa umpisa, nabanggit ng netizen na si Astrid (@astridbee1) na dapat aniya baguhin ang presyuhan sa resto “kung normal tambayan lang naman pala” gaya ng nabanggit ni Naig.
“…wag maningil ng 300 plus para sa cheesestick na nabibili kay manong kariton for 15 pesos,” ani Astrid.
Binatikos din nito ang aniya’y sarkastikong pagsagot sa mga nagrereklamo sa restaurant.
“Please learn how to deal with your customers’ complaints, hindi ‘yung sacastic at mag-mock ka pa sa pagreply sa mga nagcocomplain.”
Sumagot naman si Naig at nagpaliwanag na “soft opening” pa rin hanggang ngayon ang kanilang restaurant na kabubukas lamang nitong Pebrero.
“I am so sorry po kung nakareceive po kayo ng sh*tty service sa aming ‘resto.’ Sana po ay makabalik kayo para makita nyo po ang improvement ng @nerisnotsosecretgarden,” ani Naig.
Sinabi rin ni Naig na sana ay makabalik si Astrid para makita ang pagbabago at “mapawi naman ang pagngiwi at pagsimangot.”
Sarkastiko naman ang naging dating ng sagot ni Naig kay Astrid kaya sinabi nito na dapat ay nagpadala na lang ng pribadong mensahe ang negosyante kung talagang concerned ito sa pagpapabuti ng kanyang resto.
Nang patuloy pa rin sa pag-rant ang customer, nireplyan na lamang ito ni Naig ng “Good night po *kiss emoji*”
Hati naman ang naging reaksyon ng ibang netizens sa sagutan.
Mayroon ilang tingin ay sarkastiko nga ang naging sagot ni Naig na hindi aniya maganda at nangangahulugang hindi ito marunong tumanggap ng kritisismo.
Mayroon din namang mga humanga sa pag-amin ng negosyante na marami pa siyang kailangang aralin pagdating sa pag-nenegosyo at ang iba’y nagpahayag din ng suporta.