VIRAL: Gay couple na Flamingo sa Denver Zoo

57
Image via Denver Zoo on Facebook

Umani ng reaksyon sa mga netizen ang gay couple na Flamingo na matatagpuan sa Denver Zoo, Colorado sa Estados Unidos.

Ibinahagi nito sa kanilang Facebook account ang larawan kung saan makikita ang dalawang flamingo na ‘same-sex’.


Pinangalanan nila itong Lance Bass, isang Chilean flamingo, at Freddie Mercury, isang American flamingo.

Sinabi ring magkapareha na ang dalawang ito sa loob ng ilang taon.

“While these two males won’t be able to have a chick of their own, they are able to act as surrogate parents if a breeding pair is unable to raise their chick for any reason,” dagdag ng Denver Zoo.

Ayon pa sa komento ng Denver Zoo, sinabing bihira rin na magkapareha ang isang Chilean at American flamingo na magkasama sa isang lugar.

“It’s pretty special that Lance and Freddie chose each other. They can’t produce a chick, so we’re not concerned on that front,” dagdag sa komento.

Facebook Comments

From Advertisers