Neri Naig, sumagot sa nagreklamong customer ng kanyang restaurant

1023
via IG/ mrsnerimiranda

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktres at negosyanteng si Neri Naig na patuloy siyang nag-aaral para sa ikagaganda pa ng takbo ng kanyang negosyo.

Dito, may nagkomentong customer ng restaurant niyang “Not So Secret Garden” tungkol sa umano’y hindi magandang serbisyo at hindi makatarungang presyo.


View this post on Instagram

 

Normal tambayan lang talaga ang @nerisnotsosecretgarden. Di siya fine dining, para lang talagang tambayan sa backyard. Naka kamay lang kapag kumakain, walang arte arte. Tawanan. Tamang food trip. Tamang kantahan. Tamang tambayan. Wala talaga akong kaalam alam sa pagpapatakbo ng isang kainan. Kagaya din naman ng mga naging negosyo ko, wala akong alam sa una kung paano magpatakbo ng isang negosyo. Napag aaralan ko. Pinag aaralan ko. At willing pang mag aral. Hindi ko mapi-please ang mga tao, meron at merong masasabi ang iba sa akin. Pero hindi eto ang basehan para mapanghinaan ng loob, umayaw, o madepress. Alam kong marami pa akong kailangang matutunan dahil hindi ko inaral kung paano magpatakbo ng totoong cafe o restaurant. Puro bagets din ang mga na-hire ko nun at dahil kailangan nila ng pandagdag tuition. Naging maluwag din ako sa mga staff ko nun na naging kampante sila. Iba na ngayon. Dahan dahang naaayos na ang sistema. Inilagay ko ang mga nanay na galing sa Neri’s Gourmet Tuyo production. Iba ang disiplina nila. Iba ang work ethics nila. Kaya soooobrang tuwang tuwa ako sa mga customers namin na bumabalik at sinasabing ang laki ng improvement ng cafe. Marami rin silang insights na sina-suggest. Nakikinig lang ako. Mababait yung mga customers na nakakasalamuha ko sa @nerisnotsosecretgarden. May ilan ilan ding nakakagulat ang ugali. Di ko pa naman nakakasalamuha pero minsan maaabutan kong umiiyak ang ilang staff ko kase pinagsabihang ang tatanga nyo. Sinasabi ko na lang, isipin nyo na lang na balang araw kakain sila sa sarili nyong restaurant. Customers are always right, ika nga nila. Hanggat may gusto pa ring tumambay sa @nerisnotsosecretgarden at hanggat may mga pamilya, barkada, magkasintahan na gustong tumambay sa tambayan na ginawa ko. Tuloy ang ligaya! Happy happy lang. There’s always room for improvement. Ang failures, mistakes, mga hindi inaasahang bagay o tao man o pangyayare, ay parte ng success ng isang tao. Kaya sa lahat ng napanghihinaan ng loob at mag gigive up na… wag! Parte yan ng success story mo. Kapit ka lang. Matututo ka pa at mas lalong tatatag. Mas lalo kang magiging successful. Good luck at isang mahigpit na yakap sa lahat!

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on

Sa umpisa, nabanggit ng netizen na si Astrid (@astridbee1) na dapat aniya baguhin ang presyuhan sa resto “kung normal tambayan lang naman pala” gaya ng nabanggit ni Naig.

“…wag maningil ng 300 plus para sa cheesestick na nabibili kay manong kariton for 15 pesos,” ani Astrid.

Binatikos din nito ang aniya’y sarkastikong pagsagot sa mga nagrereklamo sa restaurant.
“Please learn how to deal with your customers’ complaints, hindi ‘yung sacastic at mag-mock ka pa sa pagreply sa mga nagcocomplain.”

Sumagot naman si Naig at nagpaliwanag na “soft opening” pa rin hanggang ngayon ang kanilang restaurant na kabubukas lamang nitong Pebrero.

“I am so sorry po kung nakareceive po kayo ng sh*tty service sa aming ‘resto.’ Sana po ay makabalik kayo para makita nyo po ang improvement ng @nerisnotsosecretgarden,” ani Naig.

Sinabi rin ni Naig na sana ay makabalik si Astrid para makita ang pagbabago at “mapawi naman ang pagngiwi at pagsimangot.”

Sarkastiko naman ang naging dating ng sagot ni Naig kay Astrid kaya sinabi nito na dapat ay nagpadala na lang ng pribadong mensahe ang negosyante kung talagang concerned ito sa pagpapabuti ng kanyang resto.

Nang patuloy pa rin sa pag-rant ang customer, nireplyan na lamang ito ni Naig ng “Good night po *kiss emoji*”

Hati naman ang naging reaksyon ng ibang netizens sa sagutan.

Mayroon ilang tingin ay sarkastiko nga ang naging sagot ni Naig na hindi aniya maganda at nangangahulugang hindi ito marunong tumanggap ng kritisismo.

Mayroon din namang mga humanga sa pag-amin ng negosyante na marami pa siyang kailangang aralin pagdating sa pag-nenegosyo at ang iba’y nagpahayag din ng suporta.

Facebook Comments

From Advertisers