Nesthy Petecio, mag-uuwi ng silver medal para sa Pilipinas

Silver medal ang iuuwi ng Pinay boxer na si Nesthy Petecio.

Ito ay matapos ang kaniyang naging kampanya sa Tokyo Olympics kung saan nakaabot pa siya sa women’s featherweight finals pero nabigo sa pambato ng Japan na si Sena Irie.

Sa kabila nito, taas noo pa ring ipinagmamalaki ng mga taga Davao del Sur si Petecio lalo na’t ilang kampyon ang tinalo ni Nesthy bago ito makaabot sa finals.


Samantala, dahil sa nakuhang silver ni Petecio ay siya ang kauna-unahang Filipina olympic boxing medalist.

Habang nananatili pa rin ang tyansa nating makakuha ng gintong medalya sa boxing dahil nagpapatuloy pa rin ang kampanya nina Eumir Marcial at Carlo Paalam.

Facebook Comments