Oras ng operasyon ng Immigration Offices, pansamantalang binawasan

Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na ang main bldg. at satellite at extension offices sa Metro Manila ay muling nasa skeleton workforces.

Kasabay nito, ang pansamantalang pagbabawas sa oras ng kanilang operasyon sa harap ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na paiiralin sa National Capital Region (NCR).

Bunga nito, epektibo Aug. 6, ang office hours na sa immigration offices ay mula alas-8:00 AM hanggang alas-4:00 PM, sa halip na alas-5:00 PM.


Ang BI employees at mga kliyente naman na mahigit 60 taong gulang gayundin ang mga buntis at may comorbidity at immunodeficiency ay pinapayuhan na manatili na lamang sa tahanan.

Facebook Comments