Net Satisfaction ng Administrasyong Duterte, ‘very good’

Bahagyang bumaba ang Net Satisfaction ng Duterte Administration.

Sa Survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong ikatlong kwater ng 2019, 77% ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ng kasalukuyang Administrasyon, 10% dissatisfied, habang 11% ang hindi makapagpasya.

Katumbas ito ng +67 o ‘very good’ Net Satisfaction Score, mababa kumpara sa +73 o ‘excellent’ nitong Hunyo.


Nakakuha ng ‘Very Good’ mark sa Governance Report Card ang Duterte admin sa pagtulong sa mga mahihirap, pagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan kung ano ang ginagawa ng gobyerno, at malinaw na mga polisya.

Mayroong ‘Good’ rating naman sa paglaban sa terorismo, pagpapabuti ng ekonomiya, pagprotekta sa freedom of the press, paglaban sa krimen, reconcillation sa mga communist at muslim rebels, foreign relations, pagpuksa sa korapsyon sa gobyerno, pagbawi sa ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, at paggiit ng soberenya ng bansa sa West Philippines Sea.

Nabigyan naman ng ‘Moderate’ rating ang gobyerno sa pagtitiyak na wala nang Pilipinong magugutom.

Nasa ‘Neutral’ naman ang rating pagdating sa Inflation.

Isinagawa ang survey mula September 27 hanggang 30, gamit ang face-to-face interviews sa 1,800 adult respondents sa buong bansa.

Ang survey ay non-commissioned.

Facebook Comments