Bumaba sa 52% ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa buwan ng Setyembre.
Batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS), 67% na Pinoy ang nagsasabing kontento sila sa aksyon ng pangulo habang 15% ang hindi at 11% ang hindi pa makapagdesisyon.
Bagama’t bumaba ng halos 10% mula sa naitala noong Hunyo 2021, nananatili pa rin itong “very good” at mas mataas kumpara sa +45 noong June 2018.
Lumabas din sa nasabing survery na bumaba ang rating pangulo sa lahat ng lugar sa bansa maliban sa Mindanao na may +76 mula sa dating +79.
Sa Metro Manila, +48 lamang ang kanyang nakuha mula sa dating +63; +44 naman sa Balance Luzon mula sa dating +44 habang +44 mula sadating +53 sa Visayas.
Facebook Comments