Netizen, natuwa sa birthday song ni baby Tali para sa kanyang Kuya Vico Sotto

Kinagiliwan sa social media ang pagkanta ni baby Tali ng happy birthday para sa kanyang kuya na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Si Mayor Vico ay nagdiwang kahapon ng kanyang ika-31 taong kaarawan kung saan isang video greetings ang ipinost ni Pauleen Luna-Sotto para sa alkalde.

Sa nasabing video, makikita si baby Tali na nakasuot ng pulang damit at game na game na kinantahan ang kanyang Kuya Vico ng happy birthday.


Marami ang natuwa sa video ni baby Tali na cute-cute raw sa pagkanta.

Si baby Tali at Mayor Vico ay magkapatid sa ama na si Vic Sotto.

Nag-share naman ang aktres na si Coney Reyes, ina ni Vico ng throwback pictures ng alkalde.

Samantala, kasabay ng kanyang kaarawan, nanawagan si Mayor Vico sa kanyang mga kaibigan na imbes na regalo ang ibigay sa kanya, ay foodpacks na lang para sa mga apektado ng pandemic.

Facebook Comments