Netizens, nagreact sa ‘bullying allegation’ ni Julia Barretto kay Bea Alonzo

255
Instagram/ Julia Barretto

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang post ni Julia Barretto kagabi kaugnay ng hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Ayon kay Julia, hindi siya ang dahilan ng breakup nila Bea at Gerald ngunit personal issue ang sanhi nito.


“I believe Gerald has already made it clear that a third party was not the cause of their break up. I would like to disassociate myself from the break up of Bea and Gerald. Their issues are entirely their own,” paliwanag ni Julia.

View this post on Instagram

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

Ipinahayag din ni Julia ang saloobin niya kay Bea sa nangyaring pangbabash ng mga netizen.

“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me FOR YOU,” ani ng aktres.

“You can play victim all you want, but I refuse to be your victim,” dagdag niya.




Nag-trending sa Twitter ang #TeamJulia, #TeamBea, #BeaVsJulia kaugnay ng mensahe ng aktres sa Instagram.

Pati sina Julia, Bea at Gerald ay trending magdamag dahil sa mga komento ng netizens tungkol sa issue.

Ayon sa isang netizen, sana ay humupa na ang issue dahil maraming tao ang nagsasaya sa ‘pambu-bully’ kay Julia sa internet.

 

Matatandaan na nag-trending din sila ng ilang araw sa Twitter hinggil sa third party allegation kay Julia at pag-ghosting ni Gerald kay Bea.

Facebook Comments