Netizens, nagreact sa pahayag ni Gerald Anderson ukol sa breakup kay Bea Alonzo

1628
File photo

Matapos ang ilang linggo na pananahimik, nagsalita na si Gerald Anderson ukol sa break up kay Bea Alonzo.

Ayon kay Gerald, walang third party na naganap at personal issues ang dahilan ng hiwalayan nila ni Bea.


“Siguro nangyari just like in any other relationship we just had moments when we’d just fight after fight after fight…. We had that one big fight and nilabas lahat ng emotions, feelings,” ani Gerald.

“Then ‘yung ending ang realization na hindi na siya masyadong healthy and [that] you’re just hurting each other…na ayaw mo na talaga. After that, you have to stay strong…iwas muna sa communication,” dagdag niya.

Nilinaw niya ring walang kinalaman dito ang kaniyang kapareha sa pelikulang Between Maybes na si Julia Barretto.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen ang naging pahayag ni Gerald.

 

Samantala, ni-like naman ni Bea ang isang post ng fan sa Instagram na may “Kung magsisinungaling ka, galing-galingan mo naman,” kung saan linya ito ni Popoy na ginagampanan ni John Lloyd Cruz sa pelikulang One More Chance kasama si Bea.

Hinala ng mga netizen ay kaugnay ito sa pahayag ni Gerald na hindi siya nagsasabi ng totoo.

Nitong Hulyo 25, ipinahayag ni Bea na wala silang pormal na break up ni Gerald at hindi nalang siya nito bigla kinausap.

Facebook Comments