PANOORIN: Lalaki, gumamit ng baril sa paghiwa ng birthday cake

Katakot-takot ang trip ng isang birthday celebrant sa India na gumamit ng baril para hiwain ang cake.

Kita sa isang video ang 24-anyos, hindi pinangalanang lalaki, na may dala-dalang hinihinalang iligal na baril habang nagkakasiyahan kasama ang mga kaibigan.

Nagtipon-tipon ang kalalakihan matapos ilapag ang cake sa sahig at saka naghiyawan, inaabangan ang tila highlight ng selebrasyon nila.


Maya-maya ay walang ingat na pinaputukan ng lalaki ang cake, na sinundan ng kantahan matapos itong mahati.

Iniimbestigahan na ng pulisa ang insidente ng hinihinilang “possession of the illegal firearm”.

Bagaman hindi iligal ang pagkakaroong ng baril sa India, mahigpit ang umiiral na polisiya hinggil dito.

Sinumang gustong magkaroon ng baril ay kinakailangang mag-apply sa gobyerno at mag-renew ng lisensya tuwing tatlong taon.

Facebook Comments