Manila, Philippines – Ibinuking ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang panibagong scam sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na kinasangkutan ng isang neurologist sa South Cotabato.
Sa deliberasyon ng panukalang budget para sa Department of Health (DOH), isiniwalat ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang insurance fraud modus ng isang neurologist na nakipagsabwatan sa ilang pagamutan.
“There is a neurologist in South Cotabato who collects money from PhilHealth fraudulently,” saad ni Sotto.
Ipinaliwanag ni Sotto na nakipagsabwatan ang doktor sa pamunuan ng ilang pagamutan kung saan siya nagsisilbi upang makakolekta ng pera mula sa PhilHealth.
Bahagi ng modus na umupa ng ilang pasyente para iko-confine sa pagamutan para makakolekta ng medical expenses.
“This doctor will connive with the hospital where he is affiliated with, particularly St. Louis Hospital, Allah Valley Medical Specialist Hospital, Inc., Arturo Pinggoy Medical Center and St. Louis Medical CL and Hospital in order to collect from PhilHealth for the suppose expenses incurred by the hired PhilHealth members. The collected amount will then go to neurologist’s pocket, his own pocket and maybe the hospital get their share, fair share,” pahayag ni Sotto.
Batay sa dokumento na tinanggap ng PhilHealth, kinilala ang doktor na si Dr. Mark Dennis Menguita, ng Koronadal City na sinasabing may mga kasabwat na pagamutan at ilang opisyal ng PhilHealth mula sa Region 12.
Kinumpirma naman ng PhilHealth sa pamamagitan ni Senador JV Ejercito, sponsor ng panukalang budget, ang isiniwalat ni Sotto at kasalukuyan anya itong iniimbestigahan.
“Currently ongoing investigation. Balita ko matapang daw ang doktor na ito? tatapang pa ba siya kay Greg Honasan o kay Ping Lacson,” pagtatanong pa ni Sotto.
Sinabi ni Ejercito na sandaling mapatunayang guilty ang nuerologist sa alegasyon ay posibleng i-revoke ang kanyang lisensya.
“According to PhilHealth head, cases are investigated first and if found guilty the hospital is suspended, depends on the gravity, license maybe revoke and likewise the doctor that is involved will have the PRC license revoked, as well,” diin ni Ejercito.