May bagong 42 na mga kaso ng HIV sa Naga City ang naitala ng City Health Office para sa nakaraang taong 2019.
Ang bagay na ito ay ipinahayag kahapon ng umaga ni Naga City Health Officer Dr. Vito Borja sa panayam ng DWNX.
Lahat ng mga naitalang HIV cases ay kinabibilangan ng mga kalalakihan kung saan, sa isinagawang pagsusuri, kumpirmado na lahat sila ay positibo.
Edad 18 ang pinakabatang tinamaan ng HIV samantalang edad 42 naman ang pinakamatanda sa mga ito.
Ang nasabing bilang ay patotoo na tumataas nga ang mga HIV cases sa Naga City dagdag pa ni Borja.
Samantala, umaabot naman sa 93 ang bilang ng mga kasong may kaugnayan sa iba pang sexually transmitted diseases kung saan 15 anyos ang pinakabata at 46 naman ang pinakamatanda.
Nang tanungin si Dr. Borja kung taga-Naga City lahat ng mga nag-HIV positive, sinabi niya na pwedeng i-assume na taga Naga City nga sila dahil ito naman ang ginamit na address ng mga ito sa tala ng Naga City Health Office.
Idinagdag pa ni Borja na patuloy sila sa pagpapatupad ng mga preventive programs tulad ng counseling at iba pang hakbang para ma-monitor at maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit sa komunidad.
#HIV Naga City 2019
NEW 42 HIV Positive Naitala sa Naga City Para sa Taong 2019 – Lahat Lalaki
Facebook Comments