NEW LOOK! | Alessandra de Rossi – nagpakalbo!

Manila, Philippines – Tahimik pa rin ang Aktres na si Alessandra de Rossi sa dahilan ng kanyang pagpapakalbo.

Matatandaang noong Lunes, ginulat ng 34-anyos na aktres ang kanyang mga fans nang dumating siya sa premier screening ng pinagbibidahan nilang pelikula ni paolo contis na “through night and day” na kalbo, na malayong-malayo sa dati niyang hairstyle.

Sa tuwing tinatanong ang dahilan ng pagpapakalbo, iniiba ni de Rossi ang topic.


Pinagkaguluhan din sa social media ang mga litrato ng new look ng aktres kung saan siya inilarawan ng kanyang mga fans na “brave”, “beautiful”, “cool” at “stunning”.

Bago ang premier night, nauna nang nakita si de Rossi na nakasuot ng platinum-colored wig sa kanyang post sa social media at promotional images ng kanilang pelikula.

Facebook Comments